Esem  

Saturday, January 12, 2013


          Isa sa aking mga paboritong kanta ang Esem na kinanta ng yano nung dekada 90’s. Isa sa Sikat na mga kanta na pinalahan ng mga tao dati. Patok sa mga taong sablay ang araw na araw na buhay at isang na ako dun. Na nangangarap na mabuhay ng matiwasay na wala naman kahulugan. Kada lyrics ng kanta nato ay tumatagos sa aking pagkatao and araw araw na ginawa sa mundo. Hanggang ngaun itoy kinakanta parin ng mga Pilipino. Minsan naririnig kong kinakanta to sa mga live bands bar, sa Videoke, at sa sarili kong MP3 player. Minsan nga ginigitara ko pa nga ang kantang ito kasi sariwang sariwa pa ang kada lyrics sa buhay ko.
            Patingin tingin di naman makabili, Patingin tingin di makapanood ng sine, walang ibang pera kundi pamasahe, Nakayanan ko lang pambili ng dalawang yosi. Dati patingin tingin nga lang ang buhay ko. Inuubos ang oras sa mall sa pawindow window shopping. Minsan nga nahihiya akong pumasok sa mga boutique ng mall kasi pag pumasok ka lalapitan ka ng sales lady. Hindi naman ako bibili at gusto ko lang tumingin ng magagangdang gamit na hindi ko naman mabili. Kaya sa labas nalang ako nag wiwindow shopping para hindi ako lapitan ng sales lady. Minsan tumitingin din ako ng palabas sa sinehan pero hanging tingin lang. Masyado kasing mahal ang sine kaya hindi din ako makapanood ng sine na gusto kong palabas. Naghihintay nalang ako sa mga kapitbahay ko na nakabili ng pirated vcd dati para mapanood ang palabas na hinihintay ko. Sa hirap ng buhay iisipin mo kung saan mo gagastusin ang piso (kung may piso nga ang bulsa mo). Naranasan ko din ang walang pamasahe. Naranasan kong hindi magbayad sa jeep or air con bus. Minsan nakokonsyensya ako sa ginagawa ko pero tinitiis ko nalang kasi kulang din naman ang pamasahe ko. Sa isip isip ko nagsosorry nalang ako sa mga tsuper ng jeep at bus na nasasakyan ko. Hindi din madaling gawin ang hindi magbayad sa mga pampasaherong sasakyan kasi minsan nahuhuli din ako. Kung mahuhuli ako dun lang ako nagbabayad at pag nagagalit ang tsuper sinasabi ko boss syensya na nakalimutan ko lang pero magbabayad talaga ako. Naalala ko nung nagaapply ako sa luneta para makasakay ng barko. Isa kasi akong seaman eh ops ops ops!! Alam ko yung nasa isip mo at wag mo nang ituloy. Hindi naman lahat ganun kami. Kaya lang nasa isip ng mga tao yan ay dahil malapit ang pangalan namin sa manloloko. Pero kung tutuusin lahat naman ng mga kursong natapos ng bawat tao eh meron din na tinatawag samin. Hindi nga lang yun malapit sa manloloko kaya hindi sila napapansin at nasasabing ganun sila. Lalo lang kaming nadiin dahil sa kanta ni Ai Ai delas alas. Magaling manira ng pagkatao si Ai Ais delas alas. Basta kumita lang ng limpak limpak na pera at sumikat sya. Parang tingin samin ay mga mang mang at walang alam. Hindi nya alam na ang mga seaman ay professional na kurso kasi apat na beses pa kaming nag eexam sa Professional Regulations Commissions para makamit ang Rangong kapitan. Ngaun sino ang walang pinagaralan sya oh kami?. Nakayanan ko lang pambili ng dalawang yosi. Hindi naman kasi ako nahihigarilyo kaya hindi yosi ang nabili ko nun. Sa tagal kong tumambay sa luneta sa bandan kalaw kung saan ang tambayan ng mga seaman. Naghanap hanap ako ng kompanyang nagaalok ng magandang kitaan at tatangapin ako. Meron akong nangilan ngilan na gustong tumangap sakin pero ang sabi sakin “tatawagan nalang”. Pag ganun ang labanan wag ka nang magisip na tatawagan ka. Formality nalang ang ginawa nila para hindi ka mapahiya sa mga taong nakakita na kinuha ang pangalan mo. Mataas na yung haring araw kaya ibig sabihin tanghali na. Ang mga ibang seaman na wawala panandali sa tambayan ng seaman para maghanap ng makakainan ng panganghalian. Ako naman hindi ko alam kung saan ako pupunta kasi kulang maski sa pamasahe ang dala kong pera. Paamoy amoy hindi naman makakain, busong na sa tubig gutom ay lilipas din. Nakakita ako na nagbebenta ng mineral water na sampung piso ang isa. Hindi ko alam kung tunay bang mineral water yun or tap water kasi hindi maganda ang itsura ng lalagyan. Pero anu ba ang pipiliin ko ang mamatay sa uhaw or uminom ng tubig na tap water?. Lumapit ako at bumili ng tubig na pananghalian ko. Pag bukas ko at ininum ko agad ang tubig para maginhawaan ako sa tindi ng init ng araw. Paglagok ko nakita ko parang may kasabay akong lumagok ng tubig at tinignan ko kung sino. Class mate ko pala ng college ang nakasabayan kong uminom ng pananghalian na tubig. Sabi ko sakanya uy musta tol... pananghalian mo din ba yan. Sabi nya oo pananghalian ko din. Tara bili tayo ng sky flake tapos hati tayo sa bayad. Pumayag ako kasi laman tyan din yun. Patuloy ang laboy, walang iisipin, kaylangan magsaya kaylangan magpahangin. Kahit hirap kaming apply ng trabaho sige parin ang laban. Hindi kami susuko hangat hindi kami nakakakita ng trabaho. Maski hirap din maghanap ng trabaho minsan kailangan din ang sinasabi nilang unwind. Sa tambayan kasi ng seaman maraming nagaganap na katuwaan eh. Meron yung game na chess na pustahan na 3 moves dapat ma check mate mo yung king nya. Merong nagbebenta ng mag lumang coins. Minsan iniisip ko nga extension na ng SM ang kalaw na tambayan ng seaman kasi meron narin nagbebeta ng bahay at lupa, Nagbebetan ng magagarang kotse, Life insurance at kung anu anu pa. Kaya para maaliw ang sarili nakikiusyoso ako sa mga ito.
            Nakakainis ang ganitong buhay, nakakabaliw ang ganitong buhay, nakakainis ang ganitong buhay, nakakabaliw ang ganitong buhay… Gumagabi na ako uuwi na, Tapos na ang saya, balik sa problema, at bukas ng umaga uulitin ko paba ang kahibangan ito sa tingin ko hindi na. Minsan nga nakakainis at nakakaasar ang ganitong buhay. Parang gusto mong isang pitik ng daliri mo maglaho lahat parang commercial ng more cigarette dati (sana nga meron nun). Minsan din nakakabaliw kung papaano magbabago ang ikot ng buhay mo. Minsan naman napapatulala or napapaisip ako ng malalim pero deep inside wala naman iniisip. Pinapalipas lang ang oras para lang matapos na ang nakakabwisit na araw na ito. Pagdating na hapon nagsasarado na ang mga both ng shipping company kaya kailangan nang umiwi. Nagiisip nanaman ako ng diskarte kung papaano makaka lusot para hindi magbayad sa pampasaherong sasakyan. Yung matitipid ko kasi gagamitin ko bukas para sa pagapply ulit. Nakakakonsyensyang gawin pero kailangan gawin. Babawi nalang ako sa inyo pag nakaraos na ako.
            Sa sobrang gusto kong mag bago ang ikot ng buhay ko nanalangin ako sa may kapal pero syempre nadun ang sinasabi nilang nasa dyos ang awa nasa tao ang gawa. Lagi ka ngang nalalanangin pero kulang ka naman sa gawa wala din knock you head nalang para masaya. Pero lahat naman nagbabago at naranasan ko din yon. Nagbago kasi dahil nagsumikap ako na gusto kong baguhin ang kapalaran ko. Sabi din nila kung anu ang fusture mo yun nayun. Pero para sakun pwede mong baguhin ang future mo kung gugustuhin mo talaga. Nasa sakin kung papaano iikot ang mundo ko at natyempohan ko ang magadang ikot ng mundo ko. Nakaraaos at guminhawa ang buhay ko kahit papaano. Yung mga dating hindi ko maabot ngaun naabot ko na dahan dahan. Yung mga dating tingin lang at window shopping ngaun kung gugustuhin ko pati window bibilihin ko. Ang sangkap lang pala ay tyaga at maghintay ng tamang oras para makamit lahat ito. Hindi naman lahat ng ganito eh mabilisan nakukuha. Masarap palang sariwain o namnamin ang mga pinagpawisan mo at pinaghirapan mo. Masarap din alalahanin yung panahon ng walang wala kana dati. Minsan natatawa ako kasi naalala ko yung mga bagay bagay tulad ng mineral water at sky flakes.
            Meron akong naring sa radio station parang isang interview sa nakikinig. Sabi ng DJ may trabaho kaba? Sabi naman ng nakikinig ahhh wala eh kasi mahirap ang buhay ngaun. Sabi ng DJ yup alam ko yun mahirap ang buhay ngaun…. Sure ka wala kang trabaho bakit hindi ka maghanap ng trabaho.. Sabi ng tapakinig ahhh ehhh wala nga eh sa hirap ng buhay ngaun mahirap maghanap ng trabaho. Sabi naman ng DJ ahh ganun ba eh naghahanap kaba ng trabaho?. Sabi ng tapakinig ahhh ehhh hindi eh kasi mahirap na nga ang buhay ngaun kaya hindi ako naghahanap ng trabaho. Sabi ng Dj ok yan ha? J talagang mahihirapan ka sa buhay mo. Pano uusog ang buhay nya kung lagi nalang sasabihin mahirap ang buhay kung hindi naman sya gagalaw.
            

AddThis Social Bookmark Button
Email this post


0 comments: to “ Esem

Design by Amanda @ Blogger Buster