Sabon Panglaba  

Friday, March 22, 2013


Cool off yan ang iniwan sakin na kanta ng ex ko nung naging malamig na ang relationship namin. Hindi naman palaging masaya ang realationship. Minsan meron ups and down na nangyayari pero iniiwasan din naman yun ng bawat tao. Gusto kasi ng mga tao eh laging masaya ang bawat araw na magkasama kayo. Binibigay ang lahat ng importansya sa isat isa na maski maglaba ka ng kabundok na mount Everest na damit nya ay ok lang sayo kasi nga importante sya sa buhay mo at gusto mong ipakita na karapatdapat ka.
            Minsan sabihin natin hindi iikot ang mundo pag wala kang pera. Aminin mo na pare hindi kompleto ang mundo mo kung wala kang pera. Hindi na uso ang pagmamahal lang dapat may pera ka din. Hindi ka mabubuhay sa pagmamahal “lang” kasi di mo naman yan mabibili ng pagkain at sabon na panglaba ng damit ng mahal mo pag sinabing maglaba ka. Hanggang ngaun etong cool off na kanta ng session road ay isa sa paborito kong kanta na pinapakingan habang nagdriddrive ako. Pag pinakikingan ko ang kanta nato habang nagdridrive ako lalong bumibilis ang takbo ko. Napapabigat ang apak ko sa gas pedal kasi parang sabi ko sa isip ko shit bakit nagkaganon. Pero minsan iniisip ko na mas mainam ang nangyari kaysa malaman ko sa huli na pera pera lang pala at walang pagmamahal ay meron pala pero konti lang or meron pag may pera lang.
            Lahat naman ginawa ng tao para mapasaya ang araw nya pero tingin ko nagkulang lang talaga. Naubsan din naman kasi ako at napunta na ako sa piso nalang ang natira sa ATM savings account ko. Simula nun hindi ko na mabigay ang gusto nya pag nasa mall kami. Limitado narin ang pag gagala namin sa mall kasi maski pamasahe at pambili ng sabon na panglaba wala ako. Napunta na ako sa puntong ibebenta ko ang cp kong N73 (yan ang pinaka mahal na cp nung panahon pa ng Nokia) na kasikatan pa dati. Tapos napunta narin na mangutang ako para lang may pang date kami. Patagal ng patagal palamig narin ng palamig. Parang halo-halo sa chow king ang lamig grabe. Hindi mo na maramdaman ang init ng hininga or ang init ng kape sa tasa. Hindi narin ginagawa ang mga laging ginagawa ng bawat isa para mapasaya ang isat isa. Hindi naman ako bato para hindi makahalata na on the rocks na ang relationship. Hanggang sinabi nalang na “pakingan mo yung kanta ng cool off ng session road. Dun mo malalaman kung bakit”.
          Matagal narin ang panahon na lagi kong pinakikingan para ma break ang password ng kantang ito. Siguro nakita ko na nga yung susi ng kanta na gusto nyang sabihin. Siguro yung word na “kung tayo, tayo talaga” na parang maski anung mangyari at lumipas ang mahabang panahon na pumuti na ang mata ko wala parin mangyayari kasi wala nga akong pangastos. Yung panahon na yung nasa ilalim ako ng ikot ng gulong na puro putik na parang hindi na ako makataas sa putik ng gulong.
            Makalipas ang taon siguro ang gulong na maputik bumalikdtad at naging pabor sakin. Hindi na ako yung dating ESEM at kahit papaano afford ko nang kumuha ng mamahalin gamit ng isang pitik lang ng gold credit card ko. Pwede din akong makipag date maski 20 times a day sa ibat ibang babae kung gugustuhin ko pero taken na ako kaya stick to one na ako. Sinikap kong abutin ang bunbunan ng masmatangkad sa akin para maipakita kong hindi lang sakanya kundi sa mga taong walang bilib sakin na maski start from the starch ako kaya ko din na makaraaos.
            Sa ngaun masarap palang magkaroon ng bagong kotse. Masarap palang mag drive araw araw sa sky way maski 118 pesos ang one way toll fee. Masarap palang magover speed ng 130km/hr pero pag malapit na ako sa toll gate back to 100km per hour baka mahuli ako at ma 500 ako ng traffic enforcer. Masarap palang maglaba ng damit na ang sabon mo ay hindi nauubos. Habang natatamo ko ang pinakamasarap na parte sa buhay ko pinapakingan ko parin ang kantang cool off. Ito ay hindi ko insperasyon sa buhay ko pero eto ang isang kanta na aral sakin na hindi lahat ng araw ay nandyan ang isang tao na magmamahal sayo ng tapat pero pag wala ka nang pera ay iiwan ka. Isa din ang masasabi ko kasi alam kong yung ibang kilay ay tataas. Hindi naman lahat ng tao ay ganito ang ginagawa sa mga partners nya pero karamihan din. Hindi lang ako ang nakaexperience nito kundi yung kaibigan kong electrician sa barko. Inuulit ko hindi lahat pero mangilan- ngilan lang ang taong ganito. Ganito ang kwento ng Sabon panglaba na ginagamit ko.

AddThis Social Bookmark Button
Email this post


0 comments: to “ Sabon Panglaba

Design by Amanda @ Blogger Buster