Marino  

Monday, April 13, 2009


Masarap maging marino kasi lagi kang Malaya at makakapunta ka sa ibat ibang bansa na di mo mapuntahan. Ibang iba ang Marino dahil itoy nakatira sa lumulutang na bakal at dun sya nagtratrabaho. Sa ngaun malaki ang sahod ng marino at nagiging professional narin ang mga ito. Magiging marino pag nagaral ka ng pang marino na apat na taon. Pag nakapasa ka sa examnination magiging opisyal ka sa barko. Mas magaan ang trabaho at mas malaki ang pribilehiyo mo.

Minsan di masarap tumira sa barko dahil minsan tinatamaan ka ng home sick. Eto yung tipong di ka makatulog at ang isip mo ay nasa pilipinas. Laging tulala at wala sa sarili naku pare koy malapit tayo sa disgrasya nyan pag ganyan tayo palagi. Isipin nalang natin na eto yung pinili nating kabuhayan kaya dapat lang tangapin natin ang kinalabasan ng ating pangarap. Parang isang pamilya kami pag nasa barko. Nagpapalitan ng kaalaman at pamumuhay sa loob ng barko. Iba iba ang salita pero sa tagalong parin ang gamit para magkaintindihan. Mas matinik pa kami sa chismosa sa lupa kasi ang chismis samin eh 1 minute lang kalat na sa lahat ng tripulante sa barko. Dito sa barko masaya lalo na kung malapit na sa lupa. Papadikit na kami ayan nakangiti na ang lahat. Unang unang tinitignan ay yung signal sa mga cellphone namin. Tinitignan kung may signal na ang mga eto para makapag text sa aming minamahal. Inuuna naming ang mga minamahal naming sa text. Tapos kung lalabas kami sa ibang lugar ang isip namin ay bumili ng pasalubong na magugustuhan ng mga mahal namin sa buhay. Naguunahan sa phone both at phone card para lang makatawag ng mahaba haba at mura sa mga mahal namin sa buhay. Ito ay ang mga simpleng kasayahan ng mga seaman na tinatawag nating seamanloloko pag nakauwi na sila sa pilipinas.

Ibang iba ang tingin saming mga marino pag nasa pilipinas kami. Unang tinitignan samin tulad sa lugar namin ay umuwi na ang mayaman, Paupo-upo nalang sa harap ng bahay at nag rerelax ang don, Marami na yang naging babae sa ibang lugar diba in every port there is a girl, Naku ingat kayo dyan seamanloloko yan. Yung halos sigain yung kaluluha naming sa impyerno pag hinusgahan kami. Tao din naman kami para magkaroon ng karapatan na mabuhay ng mapayapa. Hindi yung kung saan kami pumunta eh ang tingin samin ay manloloko ng babae or walking $. Meron akong crew mate dati nung Ordinary seaman ako. Nagkita kami sa pilipinas at namasyal kami sa mall. Tapos may kinilala syang babae at ok naman ang kinalabasan. Nung tinanung na yung trabaho ng kasama ko at nalaman na seaman ang sabi ng babae ay seamanloloko at seamaniiwan ka naman eh. Sabi ng kasama ko miss naloko ka naba ng seaman kaya sinasabi mo yan. Sabi ng babae hindi pa baket? Sabi ng kasama ko wala lang kasi kung di kapa naloloko eh lolokohin kita para mapatunayan mo na manloloko ang seaman. Sa pag husga mo samin eh parang sobra kang manlait. Tapos sabi ng babae ang yabang nyo talagang mga seaman kayo. Sabi ng kasama ko mayabang kami pag ang kausap naming eh wala sa ayos at manlalait. Yung mga ibang kasama ko sa barko nagkwekwento tulad ng messman na kasama ko sa nakaraan kong barko. Iniwan daw sya ng misis nya nung nasabarko sya tapos ang nasaisip ko kala ko ba ang seaman ang nanloloko? Bakit yung babae ang nanlalaki at nang iwan?

Sa aming kapwa marino kami ay naghihinagpis at sama ng loob at tinatawag kaming manloloko. Sa panahon ngaun ang seaman na nga ang naloloko at seaman na ang iniiwan tangay pa ang mga pera namin pag iniwan kami. Sana naman bigyan kami ng espasyo at huminga dahil kami ay tao din na tulad ng mga nanlalait samin. Kung talagang manloloko ang seaman bakit ang ibang seaman ay merong maligayang pamilya?

AddThis Social Bookmark Button
Email this post


3 comments: to “ Marino

  • Anonymous
    October 19, 2010 at 1:10 PM  

    I like your story. Now, I know how my bf is going through everytime he leaves for work. It's sad to know such experiences. I send my sympathy for seamen. It's really sad.

  • Anonymous
    May 16, 2012 at 11:58 PM  

    yes mhrap tlga maging seaman..pero i agree n my mga seaman n manloloko tlga.2lad ng exbf qo..sobra ang gnwa nya,,di nyo ba almna mhrap din mgng gf nyo,,mhrap mghntay,,kung di kau mahal e bka nga pinagpalitt n tlga kau..lya sna lng pinahahalagahan nyo din ang gf/asawa nyo..wag kaung manloloko!!

  • Unknown
    February 18, 2017 at 4:03 AM  

    I SALUTE YOU SAILOR ⛵⚓

Design by Amanda @ Blogger Buster