Lechon naletche
Wednesday, April 17, 2013
Masayang
araw ang Christmas and new year. Halos buong bansa ay nag cecelebrate nito. Sa
mga pinoy eto ay pinaka magarbong celebrasyon. Maski walang pera mangungutang
para makapaghanda lang. Ganito ang trasdisyon ng mga pinoy at para narin
pasalamatan ang buong may kapal sa araw na ito.
Minsan ang
pinoy ay nagagawi sa ibang lugar ng mundo. Naabutan din ito minsan ng pasko at
bagong taon sa kinaroroonan nya. Pero ito ay hindi hadlang sa kinasanayang
tradisyon sa pilipinas.
Dito sa
barko na pinagtratrabahuan ko. Ginagawa din namin lahat ng makakaya namin para
maging pilipinas na pasko at bagong taon. Minsan malas din or sabihin nanatin
nagaadvance na kami ng celebrasyon kasi minsan matyetyempo ang araw ng pasko at
bagong taon sa Puerto at yun ay no holiday na araw. Nagtratrabaho ka sa araw ng
pasko at bagong taon. Simula ng una akong nagtrabaho sa barko palagi nalang
akong naaabutan ng pasko at bagong taon. Hindi ko na naranasan ang magpasko sa
pilipinas dahil sa trabaho ko. Mas masaya ang pasko dun kaysa sa barko. Meron
pa nung cadet ako 2 beses akong nagpasko at nag new year sa barko. Sabi nga ng
mga tao dun ako daw yung pinaka matagal sa barko kasi 16 months akong nag stay
sa barko.
Karamihan ng
kasama ko sa barko ay puro pogi ( ang tawag namin pag Pilipino ). Kaya pag may
celebrasyon ay pinoy na pinoy. Ang mga handa namin ay pag Pilipino talaga.
Masasabi mong pass muna ang diet sa dami ng pagkain na niluto ng mga crew na
nag tulong tulong. Syempre hindi mawawala ang lechon sa hapagkainan. Toka toka
ang mga crew na magluluto. Meron mga nakatoka sa inihaw, meron din sa kilawen,
at meron ding pang asar lang na wala naman ginagawa pero sakanya ang kwento.
Meron din na nagiihaw na kumakain na, kaya pag start na ng kainan hindi na sya makakain
kasi busog na. Lahat ng iisipin mong pagkain pinoy nasa harap mo kaya feeling
mo nasa pilipias ka din. Nagsasaya saya kami sa apat na sulok ng messhall.
Meron din kaming videoke or palaro para makalimutan ang pagkahiwalay sa mahal
sa buhay. Ang pinaka importante sa handa ay lechon. Sabihin nanatin hindi
matutuloy ang celebrasyon pag walang lechon sa mesa. Marami ang marunong
magluto nito. Lahat ayaw patalo sa style ng pagluto ng lechon. Meron sinasabi
na pahiran ng red wine, pahiran ng coke para malutong, pahiran ng fresh milk.
Kulang nalang ipahid mo sa mukha nila ang baboy para tumigil na sa kakakomento.
Habang niluluto ang lechon sa labas ng barko nandyan parin ang safety ng bawat
crew. Syempre isa kaming tanker vessel at bawal ang naked fire sa labas. Ni
cellphone bawal gamitin sa labas. Pero naglechon parin kami at safety naman nag
area namin. Punong puno ng fire extinguisher ang lugar ng pinaglelechonan. Naka
standby din ang fire hose namin at ready to fire na. Nandito nanaman ang mga
marurunong sa paligid ng nag lelechon. Pahiran ng ganito, hindi dapat lagyan ng
tubig ang uling para hindi masunog, dapat mabilis ang pag ikot, hindi dapat
mabagal ang pag ikot. Sa dami ng may alam ang kinalabasan ng baboy ay baboy na
baboy. Yung inaasahang malutong na balat naging makunat ang balat na maski
tagain mo ng kutsilyo hindi agad-agad matatagpi. Luto ang labas pero hilaw ang
loob. Halos hindi mo makain ang loob kasi ma dugo dugo pa. Malayo sa light and
rare na luto ng steak as in hilaw talaga. Syempre nandito na ang sisihan sa mga
hindi nagluto sabi bakit ganito ang nangyari sa lechon natin? Hindi na kami
nakealam kasi hindi naman alam kung papaano magluto tapos yung baboy naging
baboy na baboy pa. Yung mga nagluto kanya kanyang tangi na hindi sila ang nagluto.
Mahilig siguro silang gumamit ng safe guard kasi lahat sila hugas kamay.
Buliyaso ang lechon maski I lechon paksiw mo hindi kaya matigas parin ang
balat.
Sana pag
dating ng mga ganitong mga celebrasyon wag nang makealam ang mga epal at wala
naman talagang alam sa paglelechon. Puro dapat ganito pero pag nabulilsayo
hindi daw sya ang nagluto. Ang nagluto sa lechon ay sarili nya kaya walang
dapat sisihin. Kaya sa susunod na celebrasyon na ganito pipilitin ko na ang
luto ng lechon ay sa oven nalang pero sasabihin ng iba mas masarap sa labas
yung iniikot para feel na feel. Kung ako papipiliin ano ang masarap? Sa labas
na pinaghirapan mo na bulilyaso naman na hindi makain or dun sa I press lang ng
button luto na ang lechon at makakain mo at malutong ang balat.
June 13, 2013 at 10:54 AM
dating sites tom chaffin http://loveepicentre.com/contact/ wheelchair dating
free online adult dating website [url=http://loveepicentre.com/articles/]love dating free[/url] international dating service
no registration dating [url=http://loveepicentre.com/taketour/]dating diablo program reviews[/url] who is lily kwan dating [url=http://loveepicentre.com/user/Mobin/]Mobin[/url] larger frriends dating