Marino  

Wednesday, April 17, 2013


Marino.. Eto ang tawag samin. Mga taong nag tatrabaho sa barko. Nawawala ng matagal na panahon sa pilipinas para kumita ng malaki na hindi mo makukuha kung sa Pilipinas ka lang magtratrabaho.
Ito ay isang propesyonal na kurso kung hindi nyo alam. Sabi nila maski sino pwedeng sumakay at magtrabaho sa barko kasi mamimintura lang ang trabaho at mag tiktik kalawang. Oo isa ito sa trabaho ng mga rating sa barko. Pero kung tutuusin meron naring mga Officer na Pilipino na nagtratrabaho sa barko. Mga Deck and engine officer’s ang tawag samin. Medyo mahirap din ang maging officer kasi kailangan mong sumuot sa butas ng karayom. Kailangan mong makapasa sa PRC board exam ng 4 times para makamit mo license ng kapitan. Sabi nga nila the more na dumadami ang guhit mo sa balikat the more din na tumataas nag sahod mo and the more din na dumadami at lumalaki ang responsibilidad mo onboard the vessel.
Minsan ang nakakaasar lang pang nalaman na overseas ka ang daming sinasabi na kailangan mo ng ganito and ganyan. Dapat member ka dito kasi requirement. Pero pag tinanong mo kung anu ang benipisyo pakikitaan ka ng mga makakapal na memorandum of agreement para maniwala ka. Kung babasahin mo naman ito sisimangot at sasabihin sayo basta mag member ka nalang. Kilala ka lang pag may pang hulog ka as member pero pag pumalya ka sa hulog ng monthly yung mga nahulog mo ay hindi mo na makikita. Meron pang iba na ang bilis nilang mag deduct ng monthly dues mo sa sahod mo pero pag kailangan mo sila katakot takot na perma at bwan bago mo sya magamit. Minsan hindi mo talaga magagamit. Patay kana hindi pa nakaka step 1 ang process (pinoy style).
Minsan naman kung aakyat ka ng ligaw or makikipag kilala sa mga babae at pag tinanong ang trabaho mo sasabihin pa seamanloloko at seaman iiwan. Baket?! Sa propesyon lang ba ng seaman ang nanloloko at nang iiwan? Sa ibang propesyon din meron din naman eh pero syempre pag ginamit mo ang jejemon na tinatawag nila malapit nga naman sa pangalan ng seaman ang manloloko. Tulad ng BSMT na Bachelor of science in marine transportation sabi nila BSMT Basta Seaman May Tulo. Pano naman kami makakapsa sa medical examination naming kung may tulo ka diba? Isa pa dahil narin sa kanta ni Ai Ai delas Alas na katang seaman loloko. Oops baka mahagupit ako ng cyber crime law pero totoo naman diba sya yung kumanta at nagpasikat ng kanta nayan. Dami nyang nasagasaan na mga professional. Yung mga nakaupo sa shipping company, yung mga nakaupo sa Professional regulations commission, Yung mga nakaupo na gumagawa ng exam sa PRC etc etc etc. Ang dami kong mga nakasama sa barko na naloko ng asawa nila habang nasa barko sila. Yung isang motorman lahat ng pera pinapadala sa asawa. Tapos pag uwi nya walang natira sa pera tapos yung isang anak nya nagging dalawa. Yung isa naman motorman yung asawa nya sumama sa tricycle driver. Tapos nung nalaman ng seaman na niloloko sya ng asawa nya tinigil nya yung pag papadala ng pera at take note yung babae pa ang galit kung bakit tinigil yung pagpapadala ng pera. Meron naman akong napuntahan hindi matandaan or ayaw ko lang tandaan. Meron daw syang babae super galante. Yung asawa ng babae seaman daw tapos yung pinapadala ng seaman yun ang pinanggigimik nila at pinangiinom.
Minsan hindi mo talaga alam kung sino ang totoo at peke. Basta ingat nalang baka matrap tayo sa mgaganitong sitwas

AddThis Social Bookmark Button
Email this post


0 comments: to “ Marino

Design by Amanda @ Blogger Buster