Lechon naletche  

Wednesday, April 17, 2013


 Masayang araw ang Christmas and new year. Halos buong bansa ay nag cecelebrate nito. Sa mga pinoy eto ay pinaka magarbong celebrasyon. Maski walang pera mangungutang para makapaghanda lang. Ganito ang trasdisyon ng mga pinoy at para narin pasalamatan ang buong may kapal sa araw na ito.
            Minsan ang pinoy ay nagagawi sa ibang lugar ng mundo. Naabutan din ito minsan ng pasko at bagong taon sa kinaroroonan nya. Pero ito ay hindi hadlang sa kinasanayang tradisyon sa pilipinas.
            Dito sa barko na pinagtratrabahuan ko. Ginagawa din namin lahat ng makakaya namin para maging pilipinas na pasko at bagong taon. Minsan malas din or sabihin nanatin nagaadvance na kami ng celebrasyon kasi minsan matyetyempo ang araw ng pasko at bagong taon sa Puerto at yun ay no holiday na araw. Nagtratrabaho ka sa araw ng pasko at bagong taon. Simula ng una akong nagtrabaho sa barko palagi nalang akong naaabutan ng pasko at bagong taon. Hindi ko na naranasan ang magpasko sa pilipinas dahil sa trabaho ko. Mas masaya ang pasko dun kaysa sa barko. Meron pa nung cadet ako 2 beses akong nagpasko at nag new year sa barko. Sabi nga ng mga tao dun ako daw yung pinaka matagal sa barko kasi 16 months akong nag stay sa barko.
          Karamihan ng kasama ko sa barko ay puro pogi ( ang tawag namin pag Pilipino ). Kaya pag may celebrasyon ay pinoy na pinoy. Ang mga handa namin ay pag Pilipino talaga. Masasabi mong pass muna ang diet sa dami ng pagkain na niluto ng mga crew na nag tulong tulong. Syempre hindi mawawala ang lechon sa hapagkainan. Toka toka ang mga crew na magluluto. Meron mga nakatoka sa inihaw, meron din sa kilawen, at meron ding pang asar lang na wala naman ginagawa pero sakanya ang kwento. Meron din na nagiihaw na kumakain na, kaya pag start na ng kainan hindi na sya makakain kasi busog na. Lahat ng iisipin mong pagkain pinoy nasa harap mo kaya feeling mo nasa pilipias ka din. Nagsasaya saya kami sa apat na sulok ng messhall. Meron din kaming videoke or palaro para makalimutan ang pagkahiwalay sa mahal sa buhay. Ang pinaka importante sa handa ay lechon. Sabihin nanatin hindi matutuloy ang celebrasyon pag walang lechon sa mesa. Marami ang marunong magluto nito. Lahat ayaw patalo sa style ng pagluto ng lechon. Meron sinasabi na pahiran ng red wine, pahiran ng coke para malutong, pahiran ng fresh milk. Kulang nalang ipahid mo sa mukha nila ang baboy para tumigil na sa kakakomento. Habang niluluto ang lechon sa labas ng barko nandyan parin ang safety ng bawat crew. Syempre isa kaming tanker vessel at bawal ang naked fire sa labas. Ni cellphone bawal gamitin sa labas. Pero naglechon parin kami at safety naman nag area namin. Punong puno ng fire extinguisher ang lugar ng pinaglelechonan. Naka standby din ang fire hose namin at ready to fire na. Nandito nanaman ang mga marurunong sa paligid ng nag lelechon. Pahiran ng ganito, hindi dapat lagyan ng tubig ang uling para hindi masunog, dapat mabilis ang pag ikot, hindi dapat mabagal ang pag ikot. Sa dami ng may alam ang kinalabasan ng baboy ay baboy na baboy. Yung inaasahang malutong na balat naging makunat ang balat na maski tagain mo ng kutsilyo hindi agad-agad matatagpi. Luto ang labas pero hilaw ang loob. Halos hindi mo makain ang loob kasi ma dugo dugo pa. Malayo sa light and rare na luto ng steak as in hilaw talaga. Syempre nandito na ang sisihan sa mga hindi nagluto sabi bakit ganito ang nangyari sa lechon natin? Hindi na kami nakealam kasi hindi naman alam kung papaano magluto tapos yung baboy naging baboy na baboy pa. Yung mga nagluto kanya kanyang tangi na hindi sila ang nagluto. Mahilig siguro silang gumamit ng safe guard kasi lahat sila hugas kamay. Buliyaso ang lechon maski I lechon paksiw mo hindi kaya matigas parin ang balat.
            Sana pag dating ng mga ganitong mga celebrasyon wag nang makealam ang mga epal at wala naman talagang alam sa paglelechon. Puro dapat ganito pero pag nabulilsayo hindi daw sya ang nagluto. Ang nagluto sa lechon ay sarili nya kaya walang dapat sisihin. Kaya sa susunod na celebrasyon na ganito pipilitin ko na ang luto ng lechon ay sa oven nalang pero sasabihin ng iba mas masarap sa labas yung iniikot para feel na feel. Kung ako papipiliin ano ang masarap? Sa labas na pinaghirapan mo na bulilyaso naman na hindi makain or dun sa I press lang ng button luto na ang lechon at makakain mo at malutong ang balat.

AddThis Social Bookmark Button
Email this post


I visit PMMA  










































AddThis Social Bookmark Button
Email this post


Marino  


Marino.. Eto ang tawag samin. Mga taong nag tatrabaho sa barko. Nawawala ng matagal na panahon sa pilipinas para kumita ng malaki na hindi mo makukuha kung sa Pilipinas ka lang magtratrabaho.
Ito ay isang propesyonal na kurso kung hindi nyo alam. Sabi nila maski sino pwedeng sumakay at magtrabaho sa barko kasi mamimintura lang ang trabaho at mag tiktik kalawang. Oo isa ito sa trabaho ng mga rating sa barko. Pero kung tutuusin meron naring mga Officer na Pilipino na nagtratrabaho sa barko. Mga Deck and engine officer’s ang tawag samin. Medyo mahirap din ang maging officer kasi kailangan mong sumuot sa butas ng karayom. Kailangan mong makapasa sa PRC board exam ng 4 times para makamit mo license ng kapitan. Sabi nga nila the more na dumadami ang guhit mo sa balikat the more din na tumataas nag sahod mo and the more din na dumadami at lumalaki ang responsibilidad mo onboard the vessel.
Minsan ang nakakaasar lang pang nalaman na overseas ka ang daming sinasabi na kailangan mo ng ganito and ganyan. Dapat member ka dito kasi requirement. Pero pag tinanong mo kung anu ang benipisyo pakikitaan ka ng mga makakapal na memorandum of agreement para maniwala ka. Kung babasahin mo naman ito sisimangot at sasabihin sayo basta mag member ka nalang. Kilala ka lang pag may pang hulog ka as member pero pag pumalya ka sa hulog ng monthly yung mga nahulog mo ay hindi mo na makikita. Meron pang iba na ang bilis nilang mag deduct ng monthly dues mo sa sahod mo pero pag kailangan mo sila katakot takot na perma at bwan bago mo sya magamit. Minsan hindi mo talaga magagamit. Patay kana hindi pa nakaka step 1 ang process (pinoy style).
Minsan naman kung aakyat ka ng ligaw or makikipag kilala sa mga babae at pag tinanong ang trabaho mo sasabihin pa seamanloloko at seaman iiwan. Baket?! Sa propesyon lang ba ng seaman ang nanloloko at nang iiwan? Sa ibang propesyon din meron din naman eh pero syempre pag ginamit mo ang jejemon na tinatawag nila malapit nga naman sa pangalan ng seaman ang manloloko. Tulad ng BSMT na Bachelor of science in marine transportation sabi nila BSMT Basta Seaman May Tulo. Pano naman kami makakapsa sa medical examination naming kung may tulo ka diba? Isa pa dahil narin sa kanta ni Ai Ai delas Alas na katang seaman loloko. Oops baka mahagupit ako ng cyber crime law pero totoo naman diba sya yung kumanta at nagpasikat ng kanta nayan. Dami nyang nasagasaan na mga professional. Yung mga nakaupo sa shipping company, yung mga nakaupo sa Professional regulations commission, Yung mga nakaupo na gumagawa ng exam sa PRC etc etc etc. Ang dami kong mga nakasama sa barko na naloko ng asawa nila habang nasa barko sila. Yung isang motorman lahat ng pera pinapadala sa asawa. Tapos pag uwi nya walang natira sa pera tapos yung isang anak nya nagging dalawa. Yung isa naman motorman yung asawa nya sumama sa tricycle driver. Tapos nung nalaman ng seaman na niloloko sya ng asawa nya tinigil nya yung pag papadala ng pera at take note yung babae pa ang galit kung bakit tinigil yung pagpapadala ng pera. Meron naman akong napuntahan hindi matandaan or ayaw ko lang tandaan. Meron daw syang babae super galante. Yung asawa ng babae seaman daw tapos yung pinapadala ng seaman yun ang pinanggigimik nila at pinangiinom.
Minsan hindi mo talaga alam kung sino ang totoo at peke. Basta ingat nalang baka matrap tayo sa mgaganitong sitwas

AddThis Social Bookmark Button
Email this post


Design by Amanda @ Blogger Buster